ss_blog_claim=946fd2ecbe1cfcbd289b48e0310de21c

December 24, 2009

Ang Aming Perstaym (Our First Time)

Hinding-hindi ko makakalimutan ang aming perstaym. O....baka kung ano naman naiisip niyo ha! Ang ibig ko sabihin ay hindi ko makakalimutan ang perstaym namin ng minamahal kong Bubba mag road trip papuntang Laiya, Batangas. Pumunta kami sa Balai sa Laiya, isa sa pinakatahimik at magandang lugar na napuntahan ko na malapit lapit dito sa Maynila. Mga dalawang oras lang mula sa siyudad, makikita mo na ang malinaw na tubig at puting buhangin.

Unang beses namin ni Bubba magbakasyon magkasama. Madalas kasi ang mga resort at lugar dito sa Pilipinas ay hindi pumapayag na magdala ng alagang hayop. Laking tuwa ko nung nalaman ko na sa Balai, buong puso silang pumayag na magsama ako ng alaga. Naging masayang masaya ang aming bakasyon ni Bubba, subalit paguwi namin, nalaman ko na nagkasugat-sugat pala ang paa niya dahil sa pag lakad sa buhangin at pag akyat sa mga bato doon sa Laiya. Tinakbo ko tuloy siya sa doktor paguwi namin dahil ang taas taas ng lagnat niya dahil nagkaimpeksyon yung mga sugat niya. Naging learning experience  naman para sa amin yun dahil sa sunod naming punta doon, naging handa kami at pinasoot ko na siya ng sapatos na pang aso.

Natuwa ako sa perstaym na pa-kontest ng kaibigan kong si Ohmski at ito ang aking lahok sa sinabing kontest. Dahil sa kaniya, nasariwa ko tuloy ang alaala ng isa sa pinakamasayang bakasyon ko. Perstaym ko din magsulat ng akda dito sa blog na ito na Tagalog. Sana pagsapit ng hatinggabi mamaya, ako rin ang perstaym na mananalo sa pakontest ni Ohms!

I will never forget our first time....whooops...stop for a minute: it's not what you think. What I mean here is that I will never forget the first time my beloved Bubba and I took a road trip to Laiya, Batangas. We went to Balai sa Laiya, one of the quietest and most beautiful places I have been to so close to Manila. In only two hours away from the city, you will be greeted with crystal clear water and white sands. 

It was our first vacation together, Bubba and I. More often than not, resorts in the Philippines do not allow guests to bring their pets so when I found out Balai welcomed animals to their sanctuary, I was overjoyed. We had a blast on our vacation. However, I did not know that Bubba had cut up his feet walking down the beach and climbing the rocks so when we got home, I had to rush him to the vet because he was sporting a high fever due to his infected wounds. To be fair, it became a good learning experience for us because the next time we went back to Laiya, I made him wear some dog shoes so he no longer got hurt. 

I was glad to hear about my friend Ohmski's first ever contest. This is my entry to said contest. Because of him, I was able to relive one of my fondest vacations ever.


1 stars twinkling:

  © Blogger templates Psi by Ourblogtemplates.com 2008

Watch Pacquiao Vs Clottey Live Streaming and Watch Pacquiao vs Clottey's video live stream

Back to TOP